DISMISSED MAYOR NG BAMBAN, TARLAC NA SI ALICE GUO, O GUO HUA PING, BALIK-PILIPINAS AT HAHARAPIN ANG PATONG-PATONG NA KASO NA KANYANG KINASASANGKUTAN!
Nakabalik na sa Pilipinas nitong Biyernes, Setyembre 6, ang dismissed mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo, kilala rin bilang Guo Hua Ping, matapos siyang mahuli ng mga awtoridad sa Tangareng City, Indonesia.
Bago siya maaresto, si Guo ay huling nakita noong Mayo at tumakas ng bansa nitong Hulyo.
Hindi rin siya humarap sa imbestigasyon ng Senado tungkol sa umano'y koneksyon sa mga sindikato mula China.
Haharap ngayon si Guo sa patong-patong na kaso tulad ng human trafficking, graft and corruption at iba pang POGO-related cases.
Ang buong ulat, panoorin sa video. #KMJS